Chapter 3: Together

939 Words
Dix's POV Papauwi na ako sa bahay. Naaalala ko pa rin yung mukha nung babaeng nakabangga ko kanina sa daan. Maangas ang datinh niya at maganda rin siya. Pero may kakaiba sa kanya, hindi ko malaman. Kalmado lanh akong naglalakad ng harangin ako ng tatlong lalaki. Naninigarilyo ang nasa gitna nila. Naka suot ng cheap na damit. Tinapunan ko lan sila ng tingin at astang aalis ng hawakan ako ng isang lalaki sa dibdib at marahang itinulak pabalik. Nagkatitigan kami. Itinapon niya ang sigarilyo at inapakan yo'n saka niya ako hinarap "Ikaw ba si Dix?" mayabang na tanong niya,nakapa may wang anh dalawang kamay at bakas sa mukha ang kayabangan. 'Sige magyabang kalang, mamaya luluhod ka at magmamakaawa.' Hindi ko siya sinagot tinignan ko lang siya,batid kong nainis siya sa iniasta ko "Sige dalhin niyo na yan!" utos ng sa gitna. 'Ganito ka ba kaduwag huh? Nick?' Hahawakan na sana ako nunh dalawa pa ng bahagya akong lumayo. "I will follow you." direktang sagot ko sa gitna,nginisian lang niya ako saka tinapik ang dalawang lalaki at nag pamaunang lumakad sa amin. Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod na rin sa kanila. Sa isang park kami dumiretso, at ang inaasahan kong tao ay nandoon na nga. 'Nick Santos, it's been a long time..' Lumapit ang lalaking nasa gitna kay Nick at may ibinulong. "At ano na namang kabaduyan to?" diretsong tanong ko sa kanya.Bahagya pa siyang napangiti habang nakatingin sa sahig at saka dahan dahang tumingin sa akin. "Ganyang ba ang bumati sa isang kaibigan ha Dix?" sarkastikong tanong niya sa akin dahan dahan siyang lumapit sa akin. Tinignan ko lang siya, kitang kita ko sa mga mata niya ang galit na kailanman ay hindi na yata nawala sa kanya. "Tss." yun lang ang naging tugon ko sa kanya. "Tignan natin ngayon!"tiim bagang niyang sabi at saka umatras, sinenyasan ang mga bata niya. Agad kong inihanda ang sarili ko sa kanila. Sa tingin ko nasa mga labin dalawa lang naman silang susugod sa akin, pero alam kong may nagtatago pa sa ibang parte. Agad na sumugod ang isa at inambaan ako ng suntok, yumuko ako saka siya binigyan ng isang malakas nh suntok sa tiyan dahilan para maubo siya. Sumunod at dalawa may hawak na baseball bat ang isa, sabay silang sumugod sa akin,nahawakan ko ang baseball bat nung isa saka sinipa ang isa pa. Binaling ko ulit ang atensyon ko sa may hawak ng bat at sinuntok siya. Dalawa ulit ang sunod na lalaban sa akin. Sa ngayon, pareho silang walang armas bukod sa malalaki nilang katawan. Pareho silang kalbo. 'Bokal ang shunga' Napangisi nalang ako sa naisip ko. "Nakamatawa ka pa talaga ha?" rinig kong sambit ni Nick pero hindi ko na siya pinansin. Bago pa man makalapit anh dalawanh bokal sa akin ay nagpadausdos ako sa ilalim nila at saka tinadyakan silang pareho. Napa abante sila agad silang humarap sa akin akmang susuntukin ako ng isa kaya naman umilag ako, muntik na akong mahagip ng sipa ng isa pa. Sakto namang namataan ko ang isang bat sa di kalayuan mukhang hindi nila napansin yo'n. Nasa bandanh likod lanh nila yo'n. Pasimple akong naglakad lakad paikot sa kanila habang hindi inaalis ang tingin sa kanila. Naka handa anh kamay nilang sumuntok at nang malapit na ako, doon na ako tumakbo at dali daling kinuha ang panghampas. Agad kong hinampas sa batok ang isa dahilan para mapaluhod ang isa sa mga ito. Ang isa naman ay napatingin nalang sa kasamahan niyang tinamaan ko. Sumugod siya sa akin at mabilis pa rin akong kumilos at umilag. Agad kong pinuntirya ng bat ang binti niya,napa luhod siya sa sakit. "Walang kupas ang loko!" dinig ko pang sabi ni Nick. Tinignan ko lang siya na tila ba nasisiyahan sa pinapanood niya. Pero nagtaka ako ng wala ng sumugod pa sa akin,kaya naman itinapon ko ang bat sa kung saan at saka naghabol ng hininga. Kumuha si Nick ng isang bote at binasag yo'n. Hawak niya ang kalahati ng nabasag na bote. Bigla namang lumabas ang mas madami pang bilang ng mga lalaki sa kung saan. Nailibot ko lanh ang paningin ko. "Ano Dix may laban ka?!" mayabang na tanong ni Nick pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa basag na bote na hawak niya. Tinitignan niya ang bote na para bang pinag aaralan yo'n. "Pssst!" lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan ng boses na yo'n. Agad akong nagulat ng makita yung babae kanina! 'What the ef is she doing here!?' May hawak siyang skateboard sa isang kamay at ang isa naman ay nakapamulsa. Ayan na naman ang maangas niyang dating. "Oh? Zen? what a--" hindi na natapos ni Nick ang sinasabi niya ng lumapit sa akin si Zen daw? At tumabi. Nagulat sila at nagulat din ako! tinignan ko siya pero hindi niya ako pinansin. "Ano na naman to?" halata mo ang inis sa tono ng pananalita niya. Teka kilala niya ang mga asungot na mga to!? "Zen, wag ka ng makialam." malumanay na sagot ni Nick. Umubo lang si Zen at saka diretsong tumingin sa mata ni Nick. Bahagya pang nagulat si Nick pero agad din naka recover sa nangyari. Malumanay na pakiusap ni Zen kay Nick. Tinawanan lang siya ni nito. "Hindi ko kayang hindi iganti si bunso Zen, alam mo yan" sagot ni Nick na diretsong nakatingin kay Zen. "Alam ko." parang walang ganang sagot ni Zen sa kanya. Nilingon ko si Zen. Nakatingin siya sa akin. Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pero binalik niya lang ang atensyon kay Nick. Pero mas nagulat ako sa sunod na mga nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD