Dix's POV MAGKI-CHRISTMAS eve na pero tulog ka parin Zen, kailan ka ba gigising ha? miss na miss ka na namin ehh, yung pagsusungit mo, pagtataray, mga pangangaral mo at ang angas mo miss na namin lahat. Ni isang beses ay hindi ka nawala sa isip naming lahat, kada minuto, kada oras, kada araw na lumilipas, wala kaming ibang hinihiling kundi ang magising ka na. "Dix." tawag sa akin kaya naman lumingon ako at nginitian si ate Max. Nakita kong nag kukwentuhan ang iba pa naming mga kasama kay kaming dalawa lang ni ate Max ang mag kausap ngayon. Naupo siya sa isang silya at bahagyang inilapit sa kama ni Zen. "Miss ko na siya.." nangingiting usal ng ate ni Zen " I'm sure mas miss mo pa siya kesa sa amin hahaah" biro niya pa at bahagya naman kaming natawa "Kakantahan mo siya mamaya diba?" tano