Dix's POV Ilang linggo na ang nakalipas mula ng ma comatosr si Zen, nagbalik na rin kami sa klase at tuwing uwian ay sa ospital kaagad ako didiretso para makita ay ma check ang lagay niya. Mahirap mag aral ng hindi mo kasama ang inspirasyon mo. Nasa ospital ako ngayon, nagpumilit ako na ako nalang ang magbabantay kay Zen ngayon. Alam na rin ng magulang ni Zen ang lagay niya, muntik ng mawalan ng malay ang mommy niya nung una, galit naman ang daddy niya at inaasikaso kung sino ang nakabangga sa kotseng sinasakyan ni Zen. Nakatingin lang ako kay Zen pinapanood kung pano tumaas ang tiyan niya kapag humihinga siya, kung paano siyang huminga gamit ang aparatos na nakakabit sa kanya. Natinag lang ako ng may marinig akong kumatok. "Tuloy.." mahinang usal ko at saka tumayo para salubungin kung