Chapter 29: Courting Her

941 Words

Dix's POV Walang paglagyan ang tuwa sa puso ko, hindi ko namalayang lumapit ako kay Zen at hinalikan siya ng diretso. May kung ano sa puso ko ang natuwa ng maramdaman kong gumanti siya ng halik. Pinag hiwalay ko na ang mga labi namin, pero magkadikit pa rin ang mga noo namin. "Thank you Zen.." sinserong usal ko saka naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Nakangiti naman niya akong tinignan. "Kailan na ako pwedeng mag umpisa?" tanong ko habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko, sobrang saya ko talaga ngayon. "Mag umpisa naman saan?" kunot noong tanong niya sa akin, hinigpitan ko naman ang hawak sa kamay niya kaya naman tinignan niya ako ng masama, medyo lang naman. "Mag umpisang ligawan ka?" diretsong tanong ko sa kaniya, namula naman siya pero agad ding nawala. "Pupunt

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD