Zen's POV Matapos ang mahabang mahabang pakikipag usap ng pamilya ko kay Dix ay umakyat naman ako sa kwarto ko para magpahinga, ewan ko ba. Pagod na pagod ako kahit na ang totoo wala naman akong masyadong ginawa ngayon. "Hayy." malalim na buntong hininga ko at saka pinikit ang mga mata ko at natulog. Zzzz. Brizzzzzkkkk ~ Brizzzzzkkkk "Mmm?" Brizzzzkkkk ~ Brizzzzkkkk "Mm!?" inis na sigaw ko at saka dinilat ang mata ko. Cellphone lang pala ang buwisit. Ano ba naman tong lalaking to, kakakita lang namin tumatawag kaagad? "Hello?" inis na tanong ko at saka tuluyan ng bumangon sa kama at tinignan ang oras sa orasan ko na nasa side table Alas nuebe na, hanep tagal ko matulog ah!? "Hello?" inis na tawag ko ulit ng walang sumagot sa kabilang linya "Hello?" "......" "Ano ba!?" "...