“RAIN, hindi namin kaya matutulog na kami,” wika ni Sir Caleb. “Kayong dalawa hindi pa ba kayo matutulog?" tanong ni Vladimir. “Ubusin lang namin itonh natira," sagot ko. “Sige, kayo na ang bahala diyan," wika ni Sir Caleb. Tumango ako at tinanaw sila habang papunta sa kuwarto nila. Kaming dalawa na lang ni Joseph ang nasa lamesa ngayon dahil lasing na ang mga kainuman namin. Ako hindi pa ako masyadong lasing dahil sanay akong uminom, pero antok na antok na ako. “Gusto ko ng matulog,” sabi ko. Namumungay ang mga mata ni Joseph. Halata sa kanya na lasing. “Let’s go!” “Tsk! Mahinang nilalang.” Tumayo ako nang tumayo siya. May posas ang mga kamay namin kaya kung tatayo siya ay kailangan ko rin tumayo. Pagtayo ni Joseph ay bigla siyang natumba. “Ay! Palaka!” Muntik na akong mahila k