Huminga ako nang malalim bago dumiretso sa tindahan ni Aling Koring. Mangungutang kasi ako ng bigas at delata para may makain kami ngayong gabi. “Aling Koring, maaari po bang umutang ng isang kilong bigas at isang delatang sardinas?” pakiusap ko. “Linda, sabihin mo sa nanay mo na magbayad muna kayo ng utang ninyo. Ang haba na ng listahan ninyo sa akin, at hindi pa rin kayo nagbabayad!” sigaw ni Aling Koring. “Sige po, Aling Koring. Magbabayad naman kami kapag sumahod ako. Kaninang umaga pa po kami hindi kumakain.” “Kahit isang linggo pa kayong hindi kumain, wala akong pakialam! Limang taon na ang utang ninyo sa akin, pero kahit isang sentimo, wala kayong naibabayad. Hindi kita pauutangin, kahit anong gawin mo!” “Maawa naman kayo, Aling Koring. Umiiyak na po ang kapatid ko sa gutom,” p