Mugto ang mga mata ko nang magising ako ng alas-sais ng umaga. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko, ngunit bumangon na ako para maligo. Pagtayo ko, nakita ko ang malaking graduation picture ni Mateo na nakadikit sa dingding. Sa loob kasi ako ng kuwarto ni Mateo natulog. Ang sabi ni Aling Myrna, binilin daw sa kanya na dito ako sa kuwarto niya matulog para hindi ko siya ma-miss, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Mas nalulungkot ako dahil wala siya sa tabi ko. Bumuntong-hininga ako. “Kung alam ko lang na mangyayari ang ganito sana, matagal na akong pumayag na magpakasal sa’yo,” bulong ko. Bagamat malungkot ako, kailangan ko pa rin ipagpatuloy ang buhay ko. “Good morning, Linda!” wika ni Jona. Ngumiti ako. “Good morning.” Pinagmasdan niya ako. “Mukhang hindi ka nakatulog kagabi ng maayos