“Ma’am, alis na po ako,” wika ng sekretarya ko. Sinipat ko ang relong pambisig ko. “Alas-kuwatro na pala ng hapon. Ingat ka sa pag-uwi.” “Thank you po.” Tinapos ko naman ang report ko para i-email kay Sir Caleb bago ko naisip na umalis ng opisina. Inasahan ko na makikita ko si Joseph sa labas ngunit hindi ko siya nakita. Nakaramdam ako ng lungkot dahil umaasa ako na susunduin niya ako tulad ng sinabi niya sa akin kanina. “Baka may lakad sila ng asawa niya,” bulong ko. Ganito kahirap kapag ikaw ang kabit laging last priority pero dahil marupok ako kaya dapat lang ma magdusa ako. Sumakay ako ng kotse para umalis pero hindi binuksan ng guard ang gate para makalabas ako. Binuksan ko ang bintana para kausapin ito. “Open the gate.” “Sandali lang, Ma’am, nasa loob pa ang kasama n’yo.” Ku