“Akala ko last supper na natin kanina,” wika ni Jona habang nagliligpit kami ng pingakainan. “Bakit naman?” “Kasabay natin si Sir Mateo. Nakakasabay lang namin siyang kumain kapag christmas party. Hindi kami nahihiya kapag gano’n kasi wala naman kami sa iisang mesa. Pero kanina, parang hindi ko malunok ang kinain ko. Feeling ko nga gutom pa rin ako.” “Kumain ka na lang ulit.” “Gano’n nga ang gagawin ko,” sagot ni Jona. “Linda, pinatatawag ka ni Sir Mateo,” wika ni Aling Mryna. “Sige.” Tumalikod ako at umalis. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at binuksan ang telebisyon. “Mateo, bakit mo ako pinatatawag?” “Samahan mo akong manood ng pelikula.” Tumango ako at umupo malapit sa tabi niya. Nang magsimula ang palabas ay lumapit siya sa inuupuan ko at inakbayan niya ako. Hinayaan ko na l