DERICK stays. Totoo nga ito sa sinabi sa kaibigan dahil hindi sya nito iniwan kahit ilang beses nya itong ipagtabuyan at ituring na parang hangin lang. He is too persistent for the whole week. Panay lang ang iwas nya rito na kahit parang saan man sya pumunta ay naroon iyon. What would she expect? Mahihirapan itong hanapin sya sa maliit na bahay na tinitirahan nya? Huminga ng malalim si Tricia at ibinaba ang mga lalabahan nya. It's Saturday kaya naman general cleaning na nya sa bahay. She wears tshirt at cotton short saka itinali ang mahaba niyang buhok. Naabutan nyang natutulog pa rin si Derick sa sala marahil dahil sa sobrang aga palang. Sa loob ng halos isang linggo ay walang reklamong natutulog sa maliit nyang sala si Derick. Sa sahig ito naglalatag dahil hindi ito magkasya sa sofa