KINAKABAHAN si Tricia habang nasa labas sila ng lumang bahay nila sa Nueva Ecija. "I'm here.. we will get this through." pageencourage sakanya ni Derick. "Grabe kinakabahan ako! Para akong naiihi na hindi ko alam. Alis muna tayooo." hindi mapakaling sabi nya at hinila ulit palayo ang asawa sa bahay nila. "Ateeeee!" sigaw ni Troy sakanya ng makita sya. Napatigil naman sya sa paghila kay Derick at napilitang harapin ang kapatid "Ikaw nga ate ko! Miss na kita. Sandali tatawagin ko po si Nanay." excited na sabi nito at mabilis na tinakbo ang bahay nila. Kaya wala na syang nagawa kundi ang harapin kung ano man ang kakahinatnan nito. Hawak kamay silang pumasok sa bahay ng salubungin siya ng nanay nya ay agad nya itong niyakap ng mahigpit gayon din ang tatay nya. "Biglaan yata ang uwi mo