NASA kalagitnaan ng conference si Derick ng tapikin sya ng assistant ni Kean na si Jun. "Excuse me Sir. May emergency po.. tumawag po si Sir Kean, dinala daw po yung asawa nyo sa clinic dahil hinimatay." Sabi nito at kinabahan siya. Tinanguan nya ito at magalang syang nagpaalam sa mga nasa conference. Mabilis nyang tinakbo ang papunta sa clinic kung nasaan ang asawa nya. Dapat pala ay hindi nya ito iniwan at sinama nalang ng nabantayan na lamang nya ang asawa. Nasa labas ng clinic si Kean at mabilis nyang tinanong ito. "What happened?" He said at agad na nilapitan ang namumutlang asawa. "Nahihilo daw sya kanina tapos nagsusuka, then after that she fainted. Dinala ko kaagad dito. Don't worry bro.. Tinitignan na sya ng doctor natin dito." Paliwanag nito at hindi pa rin sya mapakali. S