TASK 47: Another Date It was an exclusive restaurant. May mangilan-ngilang kumakain pero dito sa table namin sa second floor halos walang tao. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naniniguradong walang makakakita sa amin ni Nico. Mahirap na baka ma-news kami nito. Patay ako pag nakita nila mom and dad 'yon. "Okay ka lang?" Si Nico naman ang nagtanong kung ayos lang ba ako. "Uhm, wala bang makakakilala sayo dito?" "Don't worry, we're safe here. Kakilala ko ang may-ari nito at pina-reserve ko ang buong second floor para makasiguradong walang manggugulo sa atin." "Lahat 'to?" Napalingon ako sa paligid. Hindi ko mabilang ang dami ng tables pero siguradong marami ‘yon. Lahat pina-reserve niya? "Yup," Hindi na niya ako pinansin. Tumawag na siya ng waiter. "Special stea