TASK 34: Permission I know the feeling when all eyes where looking at you. Kasi kanina ganon ako, ngayon ay nalipat na kay Maj. "Ninong Maj, you like kissing boys?" Walang kamuwang muwang na tanong ni Alice. "Alice, go play with your Lola." Pagtataboy ni Nico sa anak. Kakalokang bata. Nagtanong pa talaga. Pagkaalis ni Alice ay kaagad na isinama ni Nico ang kaibigan sa kusina. Kung nasaan talaga ako. Maririnig ko talaga usapan nila. Alangan namang pigilan ko ang pag pasok ng sound waves sa tengako. "What the hell happen?" Nico asked curiously. Hindi nakasagot si Maj. Nagkatama muna ang tingin namin. Grabe may pasa siya sa kaliwang mata, sa gilid ng labi at sa pisngi. Can't imagine the gentle Daniel did this to him. "Maj, hindi ka ba magsasalita? Sino ba yung lalaking yun at ginugulo