TASK 7: Cleaning Day Two weeks. Two weeks na akong nagtatrabaho bilang nanny at maid sa mag-amang Ciriaco. Pero sa loob ng two weeks ngayon lang namalagi si Nico ng dalawang araw. Kahapon natulog lang siya buong araw tapos ngayon... "Abutin mo yan, hindi mo ba nakikita yung agiw? Yan." Kasalukuyan kaming naglilinis habang nasa school pa si Alice. Nagtatanggal kami ngayon ng agiw daw or spider web as I know it. Ngalay na ngalay na yung leeg at kamay ko, malagkit na rin ako dahil sa pawis at samahan mo pa ng lahat ng alikabok na ginustong dumikit sa akin. Well, hindi lang naman ako ang ganun ang kalagayan. Maski si Nico. Si Nico na artista? Na hinahangaang ng lahat? These past few days ko lang nalaman na sikat nga ang amo ko. I watched TV when I was left alone in this unit. Isang channe