TASK 40: Realization Nyaks! Why are they hugging me? "Kyra, pinakaba mo ako." Nico said, hugging me. "Sandali nga lang." Tinutulak ko yung mag-ama papalayo sa pawisan kong katawan. Ang baho at ang dumi ko kaya. Si Alice sa legs ko nakayakap, si Nico naman sa leeg ko. "Galing ako sa initan. Ang baho ko!" Hinawakan ni Nico ang magkabilang pisngi ko. "Are you okay? What happen to you?" "Okay lang ako." Nahuli ko ang tingin ni Nico sa akin. Concern na concern ang tingin niya. "Medyo nahilo lang kanina kaya umupo muna ako. Yun nga lang nawala sa paningin ko sila Ma'am Helen. Hindi ko na sila nakita pa." Napatingin ako kay Alice. "Kung nandito na si Alice, siguradong okay naman sila." "I thought you'll leave me, Queen!" "No, Alice." Hindi pa ngayon. "Please don't leave me again, Queen Ky