Chapter 20 Sunod namin pinuntahan ay ang park malapit sa school namin 'nong highschool. Mas marami doon na estudyante na nakatambay. Dahil sa ayaw namin ni Keith ng atensyon pareho ay napagpasyahan namin manatili sa loob ng sasakyan at tumingin na lang mula sa loob ng sasakyan. Before ako maging artista sa ganito ko din paraan nae-enjoy ang highschool life ko. Kumakain ng mag streetfoods kasama ang maraming kaibigan, tawanan na hindi inisiip ang iisipin ng ibang tao at hindi inaalala na maari akong tumaba sa pagkain lang ng mga streetfoods or sakit na dala 'non. "Fabian, ilang years ka na sa industriya?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Flat na sumagot si Fabian na kinatingin ko. "Hindi ko na mabilang. Since 8 years old ako lumalabas na ako sa mga magazine," ani ni F