Chapter 26 Kinaumagahan, Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi. Pagkagising ko nasa room ko na ako. Bumangon ako at agad napa-aww dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko. Naparami yata talaga ako ng inom. Nakakahiya. Napatingin ako sa kabilang side ng kama kung nasaan ang full size ng mirror. Wala na ang make up sa mukha ko at mga suot na accessories. "Arggh, ang sakit." Sakto bumukas ang pinto. Napatigil ako at napatingin sa pinto. Nakita ko si Fabian na may hawak na tray. May soup doon at baso ng tubig. "Fabian." Ibinaba ni Fabian ang tray sa ibabaw ng kama at umupo sa gilid ng kama. "Nagluto ako ng soup. Kumain ka na muna then uminom ka ng gamot," ani ni Fabian. Medyo nahihiya ako dahil naaamoy ko ang sarili ko ngayon amoy alak. "Pasensya ka na. Naabala pa kita," nahihi