Chapter 30 "Masakit pa ba braso mo?" Nasa mansion ako ngayon nina Grace. Pagpasok niya ng kwarto nakita niya ako at tinanong about sa braso ko. "Heh, 2 days na magaling braso ko. Natanggal ko na din iyong benda. Huwag ka na mag-alala," ani ko na buhat ngayon si Gerald na katatapos ko lang painumin ng gatas. "Available ka ba ngayon? May pupunta kasi ako na classmate ko. Gagawa kami ng school projects," ani ni Grace. Dadalhin niya dapat ang tatlo sa mansion ng mga Martinez since hindi niya mababantayan ang mga anak at wala ulit parents niya. "It's fine nandito naman ako. Uwi ko ba sa amin iyong tatlo?" tanong ko. Sumahot ng mo si Grace. "Nandito ka naman so? No need." Nagpaalam si Grace na magshower tapos magbibihis. Napatingin ako sa phone ko noong magvibrate iyon. Agad ko kinuha