Chapter 16 Pinatulog ko na si France after 'non ay hindi lumabas ako ng room ni France at bumaba. Inayos ko ang kusina at pumunta sa living room para nga hintayin si Fabian. Binuksan ko ang phone ko para libangin ang sarili ko. Sinearch ko ang name ni Fabian Martinez. Agad naman lumabas ang pangalan at picture ni Fabian. Lumabas din iyong issue which is lumabas na isang single dad si Fabian. Walang nangyari na conference or nilinaw iyon ni Fabian. Lumabas ang picture ni Fabian kasama si France ngunit— wala sa mga article ang about sa ina ni France. Lumabas ang issue na iyon 6 years ago out of nowhere after makita si Fabian na may buhat na batang lalaki. Kinumpirma naman ni Fabian na anak niya iyon ngunit wala ito nilabas about sa ina ni France. Napatigil ako matapos makita ko ang