Sequel Chapter 32

2392 Words

Chapter 32 Noong araw na iyon may exam and hindi ako makafocus. Napasapo ako sa noo. Hindi ko ine-expect na sa ganito pa ako time madidistract. "Hindi pa lumalabas result ng exam para ka ng pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ka ba nagreview?" Napatigil ako at tumingala. Sa likuran ko nakatayo si France. Nakaupo nga pala ako sa bench sa tagong bahagi ng field. "Ano ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" tanong ko. Sumagot si France ng nap time tapos tinuro ang puno sa likuran namin na dalawa. Nandoon gamit niya tapos nakalatag ang coat. Mukhang iyon ahg tambayan ni France. "Hindi na ako nakatulog. Sunod-sunod buntong hininga mo. Ano ba problema?" tanong ni France tapos umupo sa kabilang gilid ng bench. May space sa pagitan namin at halatang sinadya niya umupo sa malayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD