Chapter 51 Napagpasyahan namin ni Fabian na manatili doon muna sa loob. Habang nakaupo doon sari-saring mga bulungan ang naririnig ko. Nakita ko kung paano paunti-unti sumama ang timpla ng mukha ng mommy ni Victor habang pilit na hindi pinapansin ang bulungan ng mga bisita sa loob. Napangisi na lang ako like iyon ang isa sa dahilan bakit ako pumunta doon. Ilagay ang mga Valencia sa lugar nila. 'So? Totoo ang balita na naghiwalay si miss Sonia at sir Victor dahil sa third party?' 'Oo girl and guess what? Kaya nasa kulungan si miss Themarie that day dahil kinasuhan siya ng mga Martinez ng child abuse. Sinasaktan ni miss Themarie iyong anak ni sir Victor at miss Sonia.' 'Gosh, ang sama. Hindi ba nakatira iyong bata sa puder ng mga Valencia.' 'Ewan ko lang kung sa akin ginawa iyon na