Chapter 20 "Gagawin niyo iyon para sa akin? Akala ko ba ayaw niyo pumasok sa entertainment industry," ani ni Bless na nakatingala tapos nakatingin sa mga kapatid na nasa likuran niya. "Princess, ayaw namin as an artist, model or what pero hindi ibig sabihin ayaw namin ng ibang work." Sinabi ni Seven na interested siya maging director tapos sumigaw ng cut. "Proud ako sa iyo little sis tapos gusto ko tumulong sa mga artist na tulad mo. Gusto ko maging manager." Sa edad na iyon ni Steven lahat ng accounts ni Bless, fan site at mga promotion pictures si Steven ang gumagawa. May million na follower lahat ng main account ni Bless and sinisira niya palihim mga accounts na bumabatikos sa kapatid. Naeenjoy iyon ng lalaki kaya gusto niya maging manager tapos protektahan ang kapatid niya.