Chapter 33 "Nasaan si Vladimir?" Nakatayo ngayon si France sa harap ng isang stockroom at nanlalaki ang mata ng tatlong kaklase niya. Hindi pumasok si France 'nong umaga dahil tinanghali siya ng gising. Masyado siya napuyat kakaisip kagabi kung anong ireregalo niya kay Vladimir. Pumasok siya 'nong tanghali dahil nag-aalala siya na may mga mam-bully kay Vladimir at tama siya. Malakas na sinipa ni France ang pinto na nasa gilid ng tatlong batang lalaki na napatalon sa gulat. "Nasaan si Vladimir? Sabihin niyo na habang kalmado pa ako at nagtatanong ako ng maayos," ani ni France na ngayon ay nakangiti ng matamis. Agad ba natakot ang tatlong bata at tumakbo habang umiiyak. Sumigaw ang mga ito ng teacher. Napatigil si France after may bumagsak sa kabilang pintuan. Umayos ng tayo si