Chapter 07 NAKATAYO ako ngayon sa harap ng pintuan ng room ni Fabian. Kumatok ako sa pinto at noong marinig ko ang boses ni Fabian ay binuksan ko iyon dala ang tray. Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama, may suot na salamin nakapantulog at mukhang nagbabasa ng script. "Sir Fabian," tawag ko. Napatigil si Fabian at napatingin sa akin. Sinabi nito na ibaba na lang sa coffee table 'yong tray. "Kumain na ba kayo ng dinner sir?" tanong ko after ko ilapag ang tray. Sinabi ni Fabian na nag-lunch siya ng kaunti kanina. Nilipat nito ang script at mukhang nahihirapan mag-focus. "Anyway, busy ka ba Sonia? Pwede mo ba ako tulungan sa script ko? Kung hindi naman nakakahiya sa iyo," ani ni Fabian at bumuga ng hangin. Sinabi nito na nahihirapan siya sa new project niya. Nakatingin lang a