Chapter 42 Napuno ng palakpakan sa set at flower giving after ng last scene nina Amara at Fabian. Basang-basa si Fabian na ngayon ay inaabutan ng manager nito ng towel. "Fabian ayos ka lang?" tanong ng director. Naka-lima kasi silang take sa last scene kung saan nahulog si Fabian sa dagat dahil na din kay Victor. Tumango lang si Fabian bilang sagot. Tumingin lang si Fabian sa camera at nagpatuloy ang work ni Fabian as an artist. Masama ang tingin na pinukol ni Victor sa side ni Fabian. Ramdam ng lahat ng staff at co artist ang hidwaan sa dalawa ngunit wala sa mga ito ang nagre-react. 'Gosh, mukhang masyado sineryoso ni Mr Valencia ang character niya. Nakita mo ginawa niya kay Mr Martinez?' 'Oo, nakita ko 'yon. Feeling ko nga sinadya iyon ni Mr Valencia para makaganti.' Isa lang