Chapter 58 "Sonia." May gumising kay Sonia kaya napabalikwas ang babae sa bangon. Nakita niya si Amara at Sophia na nag-aalala nakatingin sa kaniya. "Dinner na, kumain ka muna. Nagdala kami ng pagkain kainin niyo ni France habang mainit pa," ani ni Amara. Napatigil si Sonia at luminga-linga. "Nasaan si France?" Napatayo si Sonia. Nagtataka siya tiningnan nina Sophia sinabi na katabi lang ni Sonia kanina doon si France. Abo't abot ang kaba ni Sonia dahil sa pagkakaalala niya ay tulog si France sa lap niya kanina. "Oh my god! France!" Napatakbo si Sonia sa kabilang bahagi ng hallway at ginala-gala ang paningin sa paligid. Abo't abot ang kaba ni Sonia dahil nawala sa isip niya na nagi-sleep walk si France at baka mapaano ito. "France—" Napalingon si Sonia at nakita niya si Franci