Chapter 40 "Grandpa!" Tumakbo si France at niyakap ang matanda na nakaupo sa sofa. Nakatayo lang naman si Vladimir hindi malayo sa pinto at nakatingin kay France na natutuwa na sinabing nandoon sila ni Vladimir para maglaro. Napatingin ang matanda kay Vladimir. Agad na ngumiti ang matanda kay Vladimir sinabi na lumapit ito. Agad na may humawak sa balikat ng batang lalaki at tumingala siya. Grandma iyon ni France. "Anak ka ni Sonia kaya naman parte ka na din ng pamilya namin. Huwag ka na mahiya. Pumasok ka at batiin mo lolo mo." Kahit medyo nahihiya ay lumapit si Vladimir then niyakap siya ng matanda sinabi na masaya siya makilala ng matanda. "Umupo kayo dito at may hinanda ako sa inyo. Kainin niyo habang mainit pa." Kumuha si France then inabot kay Vladimir na agad kinuha at ki