Chapter 49 "Anong nangyari? Ako lang ba o talagang may kakaiba ngayon sa atmosphere ni miss Sonia at sir Fabian?" tanong ni Tania. Nakita nila kasi na nakasimangot si Sonia at hindi maipinta ang mukha ni Fabian. "Nag-away ba si mom at daddy Fabian?" tanong ni Vladimir. Pinagpatuloy ni Fabian ang pagkain ng potato chips sinabi na bago iyon. Hindi niya pa nakikita mag-away mom at daddy Fabian niya. Medyo worried si Vladimir dahil bigla niya naalala iyong palaging pag-aaway ng mommy Sonia at daddy Victor niya. Lumingon si France at nakita niya na hindi mapakali si Vladimir at nag-aalala ito. "Don't worry. Marupok si daddy, hindi niya matitiis si mommy Sonia," ani ni France. Tiningnan siya ni Vladimir at itinanong kung totoo iyon. Ngumisi lang si France. Kinuha ni France iyong can n