Chapter 39: Right after that night, naramdaman kong may nag bago sa pakikitungo namin sa isa’t isa ni Adrian, or rather, may nag bago sa pakikitungo nya sa akin. Noon, lagi syang nangungulit sa akin, laging nag vo-volunteer sumama kung mayroong iuutos sa akin. Ngayon naman ay kung maaring huwag akong kausapin, iyon ang gagawin nya. “Hoy! May atraso ka ba kay Adrian?” hindi natiis na tanong ni Faye sa akin. Ramdam kong may iilan sa klaseng gustong mag tanong pero hindi lang siguro alam kung anong salita ang gagamitin. Halong linggo na rin ang lumipas, nag tataka nga ako walang nag tatanong. Gusto ko na nga ikwento sa lahat eh nakakapanibagong hindi ako ang pulutan nila ngayon. “Ano namang ia-atraso ko dun’?” taas kilay kong sagot kay Faye. “Aba, malay ko sa’yo