“Mag save ako ng upuan, ibili nyo ko ng pizza at choco drink.” Bilin ko kay Faye at Dayle bago umalis at nag hanap ng mauupuan sa cafeteria. Minsan lang kami kumain sa cafeteria dahil madalas ubusan ang upuan dito, siguro na rin dahil late lagi ang section namin mag break pero ngayon ay maaga kami pinalabas. Agad akong umupo sa nakitang bakanteng table sa may pinakasulok sa dulo. Magandang pwesto at kitang kita naming lahat ang chismis. Ilang araw palang ang lumipas mula noong Charity Event, medyo magaan pa ang schedule namin pero hindi nag tatapos ang pagka busy namin. May susunod pang malaking event at exams kaya sinusulit na namin ang Malaya naming mga araw. “Hoy! Ano namang nangyayari sayo?” sabay bagsak ni faye sa lamesa ng kung anong pinag bibili nya. “Ano b