Tinawag ni Dreanara ang isang katulong upang padalhan silang maglolo ng inumin. Naalala niyang may nakalagay na may imported chia seed at mint leaves sa may ref kaya ito ang pina-boil niya sa kasambahay para gawing isang tea…freshly made tea. Bukod sa masarap itong inumin, nakakatulong rin ito sa kalusugan lalung-lalo na sa matanda. Hindi naman na bumabata si Mr. Vragus kung kaya naman kailangan na talaga niyang magdoble ingat at effort upang pangalagaan ang sarili. Habang hinihintay ang nasabing tea ay nagkwentuhan muna ang maglolo. Sinumulan ni Dreanara ang usapin sa pamamagitan ng pagtatanong ng tunay na pakay ng pagdalaw ng matanda sa kanilang bahay. Ito’y isang bagay na hindi naman niya ginagawa noon. Napahalakhak lang ng maliit ang kausap. “Do I have to have a particular reas

