Halos isang buwan na ang nakalipas simula noong parehog mailuklok sa pagka-chairman sina Maxen at Hariet, sa katauhan ni Dreanara. Isang buwan an rin na halos hindi magkapagpahinga ang dalawa sa dami ng mga trabaho at work familiarization na kinailangan nilang matutunan sa bago nilang posisiyon. Hindi rin biro maging pinakaulo ng isang napakalaking kumpanya. Ang pagka-busy rin ang isa sa pinakadahilan kung bakit palaging bugnot na bugnot si Levisha sa malaki nilang bahay. Batid niyang walang nararamdaman ang lalaki sa kanya, ang masaklap pa ay hindi siya makakuha ng tiempo o sapat na oras na makasama siya at mabigyan ng tsiyansang mabihag ang kanyang puso’t damdamin. She was so damned to hell at this time! Imagine, mag-iisang buwan na silang kasalpero hindi pa rin siya nakakakuha ng prop

