Biglang naputol ang emergency meeting ng mga board of directors ng Vragus Empire kasama ang chairwoman nito nang biglang bumukas ang pintuan ng conference room ng walang pahintulot. Lumabas rito ang hinhingal ng head manager ng control personnel ng kumpanya. Nagmadali kasi itong tumakbo patungo sa bulwagan na pinagtitipunan ng mga executives ng Vragus Empire upang i-discuss ang plano nito sa darating bidding… Parehong bidding na ngayon lamang nila nalamang ika-cancel na pala! “H-Hey!” “How dare you intrude without permission?” “Isn’t that the head manager of the control room?” Samu’t saring reaksiyon na nanggaling sa iilang mga director na nagulat sa bigla-biglaang pagsulpot nito sa silid na pinagpupulungan nila. Isa kasi sa rules of good conduct ng workplace ang palagihang pagkatok

