Kabanata 27

259 Words
Inilapag niya nag food tray sa pinakamalapit na lamesa at mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ang kinahihimlayan ng dalaga.   Winave niya ang kanyang mga kamay sa harap ng bahagyang nakamulat na pasyente. Ito ay upang kunin ang atensyon nito patungo sa kanya. Hindi biro ang mawalan ng ulirat ng halos siyam na buwan. Batid niyang hndi ito magiging madali para sa dalaga.   “Can you hear me, Miss Vragus?” tanong nito na umaasang makatanggap ng response mula sa kagigising na pasyente.   Ngunit kagaya ng inaasahan, hindi pa lubos na magaling at nakabawi nh lakas ang dalaga kung kaya naman ultimo pagsasalita njya ay isang napakahirap na gawain para sa kanya.   Chineck ng nars ang vital stats nito at nasiguradong maayos naman ang lahat.   Sa kabilang banda ay medyo nalilito pa ang dalaga sa mga pangyayari. May kung anong hindi tama sa mga pangyayari.   Aminado siyang ang huling nangyari sa kanya ay ang pagkahulog sa malalim na bangin aa may territorial border ng Brontton at Vestria. Ang nakakatakot at nakababahalang malakas at malamig na pagtampisaw niya sa tubig ng malawak na dagat ang pinakahuling nakarehistro sa kanyang utak. At hanggang doon na lamang iyon.   Ngayon ay magigising siya sa isang putting kwarto na hindi familiar sa kanyang diwa. Alam niyang walang ganitong parte ng kwarto sa kanilang bahay. Pagkakamalan na sana niya itong isang ospital kunh hindi lamang sa mga magagarang paintings at antique vases na nasa paligid. Hindi ito isang pangkaraniwang lugar.   At pinakanaguguluhan siya sa lahat ay ang pangalang itinawag sa kanya ng nars…   Miss Vragus? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD