Kabanata 10

1126 Words
Ngumisi na lamang si Maxen sabay kindat sa dalaga bago tumungong balkonahe kung saan niya namataan ang nakahaing light dinner at wine kanina. Kilalang-kilala niya nang kanyang lolo at alam niyang hindi nito malilimutang magdala ng isang bote ng purong-puro at mamahaling imported na wine. Ito na marahil ang pinakanatatanging bagay na hundred and ten percent silang magkasundo. They both love good drinks. Ramdam niya ang pagsunod ng mata ng asawa sa kanyang malapad na likuran habang siya papalabas. Marahil ay hindi nito inaasahang basta na lamang siyang dadaanan ng binata ng ganun-ganoon na lamang gayong halata pa kaysa malinaw na tubig-kristal ang paglalaway nito sa kanya kanina ng lumabas siya suot ang maiksi at tinipid sa telang roba. Kahit papaano naman ay hindi maiwasang makaramdam ng kung anong maliit na pisil sa kanyang puso si Hariet. Bago man siya sa mga ganitong bagay… ang atraksyon between sa lalaki at babae, aminado siyang hindi niya nagustuhan ang tila ba pag-ignore sa kanya. There’s this womanly voice inside of her that was telling her that it was not right at all. Hindi normal na hindi man lamang mag-show ng interes ang kalalakihan sa kasalukuyang set-up nila ngayon- nasa iisang kwarto at parehong halos hub’t hubad na dahil limitado nilang mga kasuotan. Sa inis ay naisipan na lamang ng dalagang magbasa ng nobela sa kanyang cellphone, ngunit isang segundo lamang ang nakalipas ay halos mapatakip siya sa sariling mukha. Oo nga pala at wala siyang ni isang gamit na dala dahil sa sobrang pagmamadali kaninang umaga. Sa katunayan niyan, hindi pa talaga niya nagagawang makaligo ng ayusan siya para sa kasal. Mabuti na lamang at natural na malinis at maalaga siya sa kanyang personal hygiene. Sa pagkabagot ay hindi niya maiwasang mapaisip sa kung ano na kaya ang ginagawa ng kanyang kinalakihang pamilya sa mga oras na ito. Marahil ay masaya na ang mga itong nagsasalu-salo sa may hapagkainan. At marahil ay masaya silang mayroon silang masunuring anak na kayang ibigay lahat ng sa kanya alang-alang sa kabutihan at kasiyahan ng mga taong pinakamamahal niya. Napapangiting iniisip ni Hariet nang may kung anong nakakatakam na amoy ng humablot ng kanyang atensyon. Sinunod niya ito hanggang sa mapagtantong nasa labas ng balkonahe nap ala siya kasama ang binatang kanina lamang ay tila ba hindi siya binigyan ng pansin. Busy itong tinatanggal ang mga takip sa may maliit na glass table na pinalamutian ng mga dainty flowers and primrose. Pagkataas nito sa may mga takip ay lumuwa sa kanyang mga mata ang dalawang plato ng medium rare steak, na minsan-minsan niya lamang natitikman kapag may okasiyon sa kanilang bahay. Mas gusto kasi ng kanyang stepmom at stepsister na kumain sa magagarang high-end restaurant kaysa ng simpleng home cook kuno. Hindi ko rin sila lubos na maintindihan sapagkata sobrang napakasarap na ng luto ng mga tagapagluto naming sa bahay. Pop! Bahagyang lumikha ng kaunting tunog ang matagumpay na pagtanggal ni Maxen ng wooden cover ng long-aged, authentic and imported Champagne na personal na ipinadala dito sa Pilipinas para sa kawilihan ng mga El Cuangco. “Take a seat, wife and let me set the table for you,” pilyong niyang ani sabay bahagyang hila ng upuan para makaupo ang dalaga sa kabilang dulo ng maliit na round glass table. Baka kasi sabihin nitong nagdadamot siya ng pagkain. Sadyang napaaga lang kasi ang pagsunod ng dalaga sa kanya sa balkonahe kaya hindi siya nabigyan ng sapat na oras na ayusin ang table bago niya sana ito tatawagin. Tahimik silang kumain at uminom ng kanilang champagne wine. Si Maxen ay naghihintay para ang dalaga ang unang mag-initiate ng conversation bilang parte ng kanyang plan na paamuhin ito sa kanyang mga palad. At isa sa mga paraan para magawa ito ay ang bahagyang pagpapakipot niya nang sa gayo’y mapilitan ang asawang gumawa ng first move para sa kanilang dalawa. Yeah, right. Maxen can be this sly and cruel sometimes especially when his ego is being hit. This woman in front of him just literally made him lost all his self-restraints on his lust and indecent thoughts earlier the moment they entered the room, and most importantly when she stepped outside the bathroom after showering in just a flimsy, seductive, mini sleeping robe. Now, he wanted to have her feels that way towards him, and not the other way around. Nais niya ring pabaliwin ito sa pagkahumaling at pagkasabik sa kanya kagaya ng palihim na pagkasabik niya rito. Sa kabilang banda ay tahimik at nagdadalawang isip si Hariet kung ano nag dapat niyang gawin. Tila ba nakamamatay kasi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. At batid niyang ang mga mag-asawa ay karaniwang nag-uusap sa hapag kainan at hindi ganitong walang imikan. Huminga siya ng malalim bago ibuka ang bibig upang magtanong. “Hmmm… Maxen…” panimula niya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kung anong kakaibang kiliti sa kanyang dibdib ng banggitin ang pangalan ng binata gamit ang kanyang bibig sa pinakauang pagkakataon. “Yes, wife. You want me to feed you?” mabilis na sagot ng binata na halong pilyong ngiti na siyang bahagyang nagpamula ng pisngi ng dalaga. “N-no,” utal nitong tutol. Hindi naman na siya baby para magpasubo pa ng pagkain. May dalawa siyang functional na mga kamay at sapat na iyon para gawin ang pagpapasubo sa kanyang sarili “Then, what then?” pilyong tanong ni Maxen bago niya tanggalin ang kanang paa mula sa fur inside slipper na gamit niya at dahan-dahang tinungo ang paa ng dalaga at maingat na ikiniskis sa nilalamig na balat nito. “Your feet are cold,” komento niya bago dahan-dahang itinaas baba niya ng kanyang paa mula sa kanyang tuhod hanggang sa kanyang bukung-bukong. “Let me warm you up, wife,” dagdag pa nito na may kasamang nakakalokong ngiti. Tila ba dalawa ang nais nitong ipakahulugan sa salitang kanyang binitawan. Ito ay ang painitin ang mga nanlalamig na paa ng asawa, at painitin na rin ang gabi para sa kanilang dalawa sapagkat sa simula pa lamang ay narito sila para sa honeymoon. Ramdam ni Maxen ang pag-tense-up ng asawa sa physical contact ng kanilang mga balat. ‘Gotcha! I know you’re feeling hot towards me as well kahit gaano ka pa kainosente. Man! Wala pang babae ang nakapag-resist ng aking karisma,’ matagumpay na anito sa sarili. Ngunit hindi naglao’y pareho silang may kakaibang naramdaman sa kani-kanilang sarili. Isang kakaibang sensation na nagpapabilis ng pag-init ng kanilang katawan sa paraang hindi nila inaasahan kung saan wala na silang ibang nais gawin kundi ang maghubad na lamang right there, right now. ‘Ugh! Gosh! Ano bang nangyayari? Bakit tila ba kusang umiinit ng sobra ang aking katawan habang may kung anong mainit na sensasyon ang namumuo sa aking kalamnan?’ tahimik na pagtataka ni dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD