“Ugh! Curse those sore losers! I hate them! I hate them so, so much!” malakas na pagsisiigaw ni Estrella nang makapasok na ito sa may silid. Kahit naman papaano ay sumusubok siyang ‘wag ipakita sa mga tauhan nila sa bahay ang ganitong side niya. ‘Yun nga lang madalas siyang nawawalan ng kontrol sa kanyang emosiyon kapag si Leonora na ang kausap na tila ba nagiging awtomatiko na lamang sa kanyang mga dugo na tumaas sa kanyang utak kapag nakikita ito, lalung-lalo na kapag nakikita itong gumaganda-ganda ang buhay. She knew inside her bones na she was way tougher than her late husband. Mas maparaan at cunning ito kumpara sa asawa. Maybe, that also explains why siya lamang ang natatangging miyembro ng kanyang pamilya ang natira matapos ang lahat. Mapait na napapapikit na lamang ito sa sobran

