Kabanata 3

1461 Words
Malakas na umugong sa isipan ni Hariet ang dalawang pariralang ito. All her life, she never felt this needed and useful for the family, kung kaya naman maging ang ganitong mga hindi kaaya-ayang favor na hinihingi ng stepmom niya ay tila ba nagiging karangalan para sa kanya. Finally, the woman she considered her mother all her life looked at her warmly as she is now. Hindi na magawa ni Hariet ang tumanggi. “If that’s what it takes to be a good sister and a good daughter, I will po,” sagot niya. Inanyayahan na siya ng ginang na pumasok sa loob at magtungong sala para maayusan siya. “Alright. Let’s start the magic touch now!” masayang ani ng makeup artist nang makapasok na sila. Umupo si Hariet sa harap ng malaking salamin at nagpaalam na rin ang kanyang ina-inahan. Pagtalikod ni Mrs. Fernillo upang tahakin ang hagdan pataas ng kanilang kwarto ay hindi niya napigilan ang mapangisi. ‘Such a naive child. Akala niya siguro tatanggapin ko na siya kung magiging sunud-sunuran siya sa akin. No. Never. Mukha pa lamang niya ay nakapagpapakulo na ng dugo ko. She reminds me of her adulterous mother! She was nothing but a trash! Sa wakas sa huling araw niya rito sa mansiyon ay magkakaroon siya ng pakinabang,’ tahimik niyang naiisip sa sarili. ‘She deserve not a dashing, good-looking, wealthy man, but only an old man with golds but sagging balls,’ dagdag pa nito sabay halakhak ng nakakaloko. *** Ting! Ting! Ting! Ting! Muling tumunog ang malaking dambana ng simbahan sa ikalawang pagkakataon. Ngayon ay naghuhudyat na ito ng pagsisimula ng malaking kasalang inaabangan ng lahat. Minadali man ay hindi maikakaila ang kagarbuhan ng mga dekorasiyon at mga pailaw. Ano pa nga ba ang inaasahan mula sa pamilyang nagmamay-ari ng pinakamalaki at sikat na Telecommunication Company sa bansa? Barya lamang ito sa bilyon-bilyones na kayaman ng kanilang kompanya. At kagaya ng plano ng matandang El Cuangco, maraming mga taga-media ang dumalo upang makibahagi sa kasalang magaganap. Sa katunayan pa nga niyan ay may ginaganap na live broadcasting sa libreng TV channel ng mga El Cuangco. Ito ay sang-ayon sa plano ng chairman patungkol sa malawakang publicity ng pagpapakasal ng kaisa-isa niyang apo nang sa gayo’y seryosohin niya ang bagay na ito. “Sigurado ka ba rito sa desisyon mong ito, Hariet?” mahinang tanong ni Dante sa anak na ngayon ay nakakawit sa kanyang braso habang naghihintay ng hudyat ng pagpasok niya sa loob ng simbahan. Bale nakasara ang malaking pintuan sa kanilang harapan upang ikubli muna ang bride sa madla, ngunit mayroon pa ring mga taga-alalay ang naiwan sa labas kung kaya naman ay kinailangang hinaan ni Mr. Fernillo ang kanyang boses. Ramdam ng ama ang bahagyang panginginig ng braso ng kanyang anak, he was afraid that he is failing her daughter again than he already did. Alam niya sa kanyang sarili na napakalaki ang nagging pagkukulang niya kay Hariet. Ngunit hindi niya inaasahan ang natanggap na tugon mula rito. “Opo, dad. Kung ito ang makabubuti kay Ate Levisha¸kay mom at sa pamilya natin, wala po akong dapat ikabahala,” anito habang pilit na ngumiti. Batid ni Hariet na ikakasal siya sa isang matandang mama na mas matanda pa sa kanyang ama, at alam niyang hindi magiging madali para sa kanya iyon; ngunit wala siyang magawa. Kailangan niyang isuko ang kanyang pagiging dalaga at karapatang mamili para sa kanyang sarili… kung ano ang gagawin sa buhay at kung sino ang magiging kasama niya ng pagbuo ng pamilya… alang-alang sa kagustuhan ng iba. Kailangan niya magsakripisyo para sa kasiyahan at kabutihan ng mga nakararami. Hindi dapat siyang maging selfish sapagkat alam niyang patuloy lang siyang babalewalain at kamumuhian ng kanyang nana’y-nanayan kung hindi siya aayon sa kagustuhan nito. Nais niyang i-retain ang magandang pakikitungo ng stepmom niya sa kanya kagaya nitong kinaumagahan na nagdidilig siya sa may hardin nila. Hindi na nakaimik pa si Dante nang magsimula ang pagtugtog ng orchestra mula sa loob ng simbahan upang simulant ang entrance song upang i-welcome ang bride. “Get ready! On the count of three, bubuksan ang pintuan at tsaka maglalakad na ang bride papasok,” pagbibigay instruksiyon ng isa sa mga event orginazer na naiwan sa labas upang mag-manage. Sa mga oras na iyon ay naramdaman ng dalaga ang malakas ng pagkabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya at tila ba nagdadalawang isip na tumuloy. Nang biglang dahan-dahang humihiwalay mula sa gitna nag dalawang pinagtagping pintuan ng simbahan… “Let us all give a big round of applause to the beautiful bride!” masiglang anunsyo ng commentator sa may harapan. Agad na bumungad sa paningin ni Hariet ang napakaraming bilang ng mga taong nakatayo at pumapalakpak upang i-welcome siya sa loob. Lahat ay nakadamit ng mga magagara at magagarbong kasuotan. Halatang mayayaman at may mga malalaking pangalan sa kumunidad. Kasabay nito ang sabay-sabay na flash ng camera na pilit niyang hinarap kasabay ng pilit na pagngiti. Her stepmom already warned her about the presence of the media during the ceremony, ngunit hindi pa rin niya lubos inakala na ganito pala karami ang dadalong taga-media. Hindi tuloy maiwasan ni Hariet ang bahagyang maestatwa sa kanyang kinatatayuan. Masiyadong napakaraming mata ang nakapalibot, at lahat ng iyon ay nakatuon lamang sa kanya. Bilang isang ilehitimong anak ng mg Fernillo, ni minsan ay hindi pa niya nagawang dumalo sa kahit anumang salu-salo o party na karaniwang pinupuntahan ng kanyang mga magulang at kapatid. Kung kaya naman mahina ang kanyang loob sa mga ganitong bagay. “Walk anak,” pabulong na wika ng ama sa kanya nang mapansin ang tila ba pagtulala ng kanyang anak. Batid niyang sabi-sabi lang ng anak na okay lang siya sa lahat ng mga ito, pero bilang ama ay ramdam niyang hindi ito bukal sa kanyang puso. Gayun pa man ay wala siyang magawa. Kung nais pa nilang isalba ang Fernillo Printing Press, kailangan nilang magkaroon ng konkreto at matibay na kapit sa El Cuangco Telecommunication Corporation. At ito ay maa-achieve lang nila sa pamamgitan ng pagpapakasal ng kanilang anak sa matandang chairman ng nasabing kumpanya. Tila ba nabuhusan ng malamig na tubig ang dalaga nang marinig ang winika ng ama, kasabay ang pag-ugong ng mga salita ng kanyang nana’y-nanayan. ‘You have to save your sister Levisha from marrying the man that she doesn’t like in order to save the family’s company. Malaki ang utang ng kumpanya and we need that wedding para palakasin ang kapit natin sa kanila at makakuha ng support…’ ‘Tama! Kailangan kong gawin ito para sa aming pamilya, at nang ma-accept na rin nila ako ng buong-buo,’ tahimik na bulong niya sa sarili. Huminga siya ng napakalalim at tsaka nagsimulang maglakad sa mahabang red carpet na nakalatag kasama ang kanyang ama. Pilit siyang ngumiti sa madla habang pinipilit na itulak pabalik sa kanyang mga mata ang mga nagbabadyang luha na bumagsak. Kaagad na dumeretso ang kanyang tingin sa harapan upang tignan ang kanyang mapapangasawa kuno. Iniiisip niyang mas maganda ng mabigyan siya ng idea sa itsura nito bago pa man siya maipaubaya ng kanyang ama ng tuluyan sa mga bisig nito. At doon nga sa may hindi kalayuan ay may isang matandang mama na nakadamit ng putting tuxedo ang nakatayo at matiim na nakatitig sa kanya. Mamuti-puti na ang buhok nito at bahagyang kulubot na rin ang mga balat na tanda ng katandaan. Mabilis na nanlumo ang dalaga sa mapapangasawa. Minabuting tumingin na lamang diretso sa dinadaanan niyang red carpet, pilit niyang pinapatatag ang kanyang kalooban. Hanggang sa hindi naglaon ay nakarating na sila sa mika-kalahati ng mahabang red carpet na nakalatag kung saan may mga pares ng paa ang nakahintay. A-ano? ‘Bakit dalawang pares ng mga paa ang narito?’ maang na tanong ni Hariet sa sarili. Iniisip niyang kung matanda na nag kanyang pakakasalan, bakit kailangan pa nitong magdalawa ng escort sa paghihintay sa bride niya. Naguguluhan, dahan-dahang itinaas ng dalaga ang kanyang paningin mula sa baba pataas upang tagpuin ang kanyang groom. Medyo naguluhan siya ng makita ang dalawang nakatuxedong pangangatawan. Pagkataas ng tingin, laking gulat niya nang mapagtantong may kasama nga ang matandang mama na nakita niya kanina sa may di kalayuan. Isang batang-batang binatilyo na nasa kanyang mid-twenties siguro. Matangkad, maputi, matipuno at lalung-lalo sa lahat, may itusura. At hindi lang basta itsura, kundi napakagwapong itsura. Even an NBSB (No Boyfriends Since Birth) like Hariet wouldn’t help it but to be enchanted on his looks. ‘Was he some sort of a Greek god?’ hindi maiwasang mapatanong ng dalaga sa sarili habang iniuugnay ang binate sa mga nababasa niyang mga mitolohiyang Griyego. At ang mas nakakagulat sa lahat ay ang biglang ani ng binata… “Shall we?” anito sabay lahad ng kanyang braso upang hingin ang kamay ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD