“Welcome Madame! This way to the dinning area,” ani ng naatasang mag-usher ng mga bisita sa may entrance ng bahay habang itinuturo ang papasok na pasilyo sa may kanan. Tinanguhan lamang si ni Dreanara at sinunod ang payo nito tahakin ang nasabing pasilyo. Papalapit pa lamang sa mismong hapagkain ay rinig na rinig na niya ang maliliit na halakhakan at kwentuhan ng mga bisitang naunang dumating sa kanya kasama ang ministro ng ekonomiya at kalakalan. Medyo naging busy kasi siya ngayong araw sa kumpanya dahil sa pagbabasa at poag-analyze ng mga project proposals kung saan gagamitin ang mga nalikom na investment ng Vragus Empire para paunlarin pa ang kanilang negosiyo. Sa katunayan, maging ang invested money ng pinkaunang kliyente na matagumpay na napapayag ng dalaga na si Miss Eva Montema

