Muli ay naglakad sa mahabang pasilyo ng simbahan si Maxen kasama ang babaeng kanyang muling pangangakuang makasama hanggang sa kahuli-hulihan niyang hininga, si Levisha Fernillo. Sinimulan ng pari ang pagbabasa ng Sakramento ng Kasal hanggang sa magpalitan ng ‘I do’ ang dalawa. Sobrang lawak ng ngiti ni Levisha sa pagbigkas ng mga salitang ito habang medyo walang kaemo-emosiyon ang tono ng binata, malayo sa naging expressive na emosiyon niya noon sa nakababatang kapatid nitong si Hariet. Marahil ay dahil hindi na ito ang pinakaunang beses na bibigkasin ito ng lalaki sa harap ng Diyos at sa harap ng ibang tao. O maaari ring dahil sa sadyang iba talaga ang nararamdaman ng lalaki ukol sa magkapatid. Maaring mas nakaramdam siya ng interest at atraksiyon sa una nitong napakasalan kumpar

