Hindi naman maiwasang mapaismid ni Leonora sa naging hulingpahyag ng ikalawang asawa ng chairman. “And does gender do about leadership skill? Women are equally as strong, powerful and skilled as men in terms of running a multi-billion company. Tsk! How pitiful are those who still remain on the barbaric thought of toxic male superiority and female inferiority?” usal nito sa hangin. Bilang isang babae sa Vragus Empire Board of Directors, hindi nakaligtas sa ilang mga pasaring ang ginang patungkol sa pagiging mahina kunno ng mga babae. Karaniwang mga baguhang mga kliyente ng kumpanya ang nagtatrato sa kanya ng ganito. Ang mga palagi nilang nakakatransaksiyon ay natuto ng i-acknowledge ang skills at husay niya. Idagdag mo pa ang katotohanang daughter-in-law siya ng chairman ng Vragus E

