Ang panganay na anak ng chairman na lalaki, nasiyang asawa ni Mrs. Vragus, ay mayroong anak na si Dreanara Iris Vragus. Samantalang wala namang nakatalang kahit anong record sa history book ng komplikadong conglomerate family na ito patungkol sa nakababatang anak na babae ng chairman.
Ang usap-usapan ay na-kick-out ito sa pamilya dahil sa pagmamahal ng maling lalaki. At magsimula noon ay ipinagbawal na sa mansiyon at sa mismong kumpanya ang pagbanggit ng pangalan ng suwail na babaeng anak ng chairman na iyon hanggang sa unti-unti na itong nakalumutan ng mga tao at tuluyang mabaon na lamang sa limot.
Naturally, since wala namang kilalang anak o tagapagmana ang mikalawang anak ng chairman na babae ay awtomatikong sa anak nitong lalaki mapupunta ang lahat ng kayaman at ari-arian niya. Ngunit isnag araw nagimbal na lamang ang buong pamilya nang biglang may isang mag-ina ang nagpupumilit na pumasok sa mansiyon para raw makausap ang may-ari ng bahay.
Iyon pala, ang babaeng ito ay kabit ng chairman ng Vragus Empire. At mayroon itong anak na lalaki na kasing-edad lamang ni Dreanara, ang kaisa-isang apo ng chairman na iyang inaasahan ng lahat na magmamana at magpapatakbo ng giant telecommunication company- ang Vragus Empire.
Simula ng araw ring yaon ay pormal na in-acknowledge na ng chairman ang mag-ina at pinatira sa mansiyon. Hindi ito nagustuhan ng anak nitong lalaki at mabilis na inilipat ng bahay ang kanyang mag-ina – si Mrs. Vragus at si Dreanara.
Sa kasamaang palad ay hindi rin naglaon ay sumakabilang buhay na rin ang mister ni Mrs. Vragus dahil sa isnag plane crash habang papauwi ito mula sa business trip. Ngayon ay dalawa na lamang silang mag-ina ang natitirang maaaring ilaban ang karapatan ng kanilang haligi ng tahanan sa mana mula sa chairman, na ngayon ay tila ba nahuhumaling na rin sa bago niyang pamilya.
Sa katunayan ay binigyan na rin nito ng mga shares of stocks ang kabit niya at anak sa labas sa kumpanya. And this just shows that this new wife of the chairman and her son is a competition of Dreanara in the wealth and richness of their grandfather/father.
And Mrs. Vragus, with all the love that she has for her late husband, will be willing to do anything possible just to stop the chairman’s mistress and his illegitimate son take over what originally belongs to theirs… sa kanilang orihinal na pamilya.