Kasabay ng nakakabiglang rebelasiyong binitawan ni Jackson ay ang pagdisplay ng nakacollage na picture ni Hariet at Dreanara sa napakalaking LED screen sa harapan. Dito na nagsimulang magbulung-bulungan ang mga tao matapos mabilisang mabasa ang DNA result na nakasulat sa mga papeless na nagsihulog mula sa itaas kanina. “Who is Hariet Fernillo?” “Gosh! Is t true?” “Ito raw ‘yung first wife ni Mr. Maxen El Cuangco?” “OMG! Ano kaya ang tunay na nangyayari dito?” Magkakaibang kuru-kuro at pananaw ang mahihinuha mula sa mga nakaantabay na mga panauhin na nagka-witness ng malaking rebelasiyon. Ramdam ni Hariet ang panginginig ng kanyang mga tahod na tila ba nanghihina na ang mga ito at hindi na siya makatayo pa. Ayaw man niya ay napilitan siyang idantay ang kamay sa balikat ng taong nagb

