Bumaba ba lahat sa may dinning hall ang lahat. Nauna sa lamesa ang mag-inang sina Leonora at Dreanara, kasabay nito ang pagdating ng dating chairman ng kumpanya. Malamang nagkaroon ng mainit na pagbati mula sa matanda. Lubos na nasisiyahan ito sa pagsasakatuparan ng isa sa mga wish niya bago tuluyang manghina at pumanaw sa ibabaw ng lupa. “I am so glad you are here now. Grabe, sobra kong na-miss ang inyong mga presensiya dito sa mansion...” anito. Pangiti-ngiti na lamang ang mag-ina. Ngiting mabilis ring nawala sa mga reminiscing words na nabanggit ng lolo. “If only my son could be here too now,” mahinang dagdag nito na halos naging pabulong na lamang ngunit umabot pa rin sa tengga ng dalawa dahil sa maliit na distansiya sa pagitan nila. Hindi nila mawari kung sinadya bang iparinig it

