Sa kabilang dako ng pasilyo ay magkasamang naglalakad sina Dreanara at Manang Insa patungo sa bagong silid ng dalaga. Tahimik lamang silang dalawa sapagkat hindi rin naman alam ng dalaga kung ano ang sasabihin niya. Ni hindi nga niya talaga personal na kilala ito. Mas maigi na lamang na manahimik siya upang maiwasang makapagsabi o di kaya’y makapagbigay ng kung anong kahina-hinalang aksiyon sa head matron. She might have worn the sane exact face as the original Dreanara, but she cannot definitely duplicate the memories and exact attitude she has towards other people so perfectly. Matapos ang mahaba-habang nakakabinging katahimikan ay sa wakas narating na rin nila ang nasabing silid. Isang katamtamang pintuan na may nakaukit na mga vintage flower pattern ang kaharap nila. Tumikhim ang

