Mabilis na lumipas ang oras at nagsimula ng dumilim ang paligid. Hindi namalayan ni Dreanara na ganoon na pala siya katagal sa kwarto ng kanyang lolo. Nanatili siya sa kanyang upuan at nagmuni-muni sa paparating na obligasiyon na ipinasa ng chairman sa kanya at papasanin niya hanggang sa kahuli-hulihan njyang hininga. Ito ay ang pamumuno at pagpapatakbo ng Vragus Empire, isang multi-billionaire corporation company na may iba’t-ibang mga klase ng business mula sa entertainment TV channel nito, radio stations, hotels and condominiums, luxury restaurants at iba pa. Lubhang napakalaking responsibilidad ang mamanahin niya kaakibat ng yaman at social status ibinigay sa kanya. Napatingin siya sa may orasan sa may wall at napagtantong alas sais na pala ng hapon. Kakilangan na niyang

