Chapter Ninety-nine Mackenzie Allen Santorin "Papa, ang lungkot ng heart ko," lapit ng anak kong bakas sa mukha ang lungkot. "Bakit ayaw mag-talk ni mama? Bakit tingin lang siya sa akin? Ayaw na ba niyang kausap si Avery?" nangilid agad ang luha nito. "Anak, may pinagdaraanan si mama. Kailangan nating unawain ang sitwasyon niya. Kapag okay na si mama ay tiyak na kakausapin ka rin niya. For now, kailangan natin ng patience sa sitwasyon niya." Masuyong ani ko sa bata. Gumawi ang tingin ko kay Lia. Nakatitig ito sa amin. Alam ko namang lumalaban ang asawa ko. Nasasalamin sa kanyang mata ang kagustuhan niyang maging okay. Madalas nakikita ko itong nakatulala sa amin habang lumuluha. Nahihirapan din ito hindi lang kami. Iyong trauma niya sa lahat ng nangyari ang dahilan. "Kakausapin ko pa r

