Chapter Sixty-nine Unti-unti man pero nakita namin ang progress ni Avery. Hindi na kailangan alalayan sa paglalakad ang bata. Bumalik na rin ang sigla nito. Ilang araw bago magpasko ay umalis na ang mga nurse. Kaya na namin ni Mackenzie na asikasuhin ang bata na kami lang. Hands-on din kasi si Mackenzie kaya hindi ko solo ang pag-aalaga. Gabi na nito hinaharap ang laptop nito para sa trabaho. "Lia, pwede ko na ba kayong ipakilala sa family ko?" busy ako sa pagsusuklay ng buhok ni Avery nang lumapit si Mackenzie at umupo sa tabi namin. Civil naman kami nito sa harap lalo na ng anak namin. Kapag kaming dalawa lang... malandi naman siya sa akin. Yes. Pero hindi gaya ng dati na sinasabayan ko ang landi niya. "Sa akin ay okay naman, Mackenzie. Tanungin mo si Avery," ani ko rito. Tumingin s

