Chapter Two
"Puntahan mo ako rito sa location ko ngayon. Ise-send ko sa 'yo. As in now na," malungkot ang tinig na ani ko kay Prim na sumagot sa tawag ko. In-send ko agad ang location ng bar. Ito iyong klase ng bar na soft and very calming lang ang tugtog. Hindi masakit sa tenga at magkakarinigan pa kayo ng kausap mo.
Alam kong pupuntahan ako ni Prim. Kaya sinimulan ko na ang pag-order ng drinks at pag-inom.
Nakailang shots na ako. Matatapang ang mga alak na order ko. Pero hindi ko ramdam. Sa mga oras na ito ay parang sobrang manhid ko. Nakakamanhid pala ang pakiramdam ng maloko. Iyong sakit at galid ang parang nagpapamanhid sa pakiramdam ko kaya kahit gaano pa katapang ang alak ay parang wala lang sa akin.
Iba't ibang alak ang in-serve sa akin. Mura, mahal, at iyong iba'y hindi ko pa alam ang pangalan. Dumating si Prim. Nakapantulog pa ito na para bang pagkatapos ko siyang tawagan ay bumangon na lang basta sa kama at bumiyahe para puntahan ako.
"What the heck, Lia? Bakit naglalasing ka?" hindi ito makapaniwala sa mga alak na nasa mesa ko. "Bakit? Anong nangyari?" agad itong umupo sa tabi ko at iyon sanang iinumin ko ay inagaw nito at pabagsak na inilapag sa table. "What is wrong with you, Lia? Umalis tayo ng office na okay ka pa. Ano bang problema mo? Nag-away ba kayo ni Harvey?" sunod-sunod ang tanong nito. Parang iyon pa ang nagpasakit ng ulo ko.
"It hurts so much, Prim," nagsimula na naman akong maluha. "Sobrang sakit."
"Nang alin? Saan?" sinipat pa nito ang katawan ko. "Saan ang masakit?" bakas sa tinig nito ang pag-aalala.
"Dito..." turo ko sa dibdib ko. "Dito ang masakit. Sobra."
"Tell me what happened," demand ng best friend ko. "I am ready to listen to you. Go. Talk, Lia. Sabihin mo sa akin para maintindihan kita." Tinignan ko ang kaibigan. Isa ito sa ayaw na ayaw dati kay Harvey. May angas kasi ang lalaki na hindi nito gusto. Natuto na lang itong pakisamahan ang lalaki lalo't nakita naman nito na nag-effort talaga si Harvey sa akin. "Ano na, Lia?" inip na tanong nito.
"Si Harvey... niloko ako ni Harvey, Prim," sunod-sunod na pumatak ng tuluyan ang mga luha ko. Akala ko'y naubos na iyon kanina. Hindi pa pala at marami pa.
"What the f**k? Niloko ka n'ya? Saan siya kumuha ng lakas ng loob para gawin sa 'yo iyon? Putangina ng lalaking iyon! Nasaan iyon?" gigil na gigil na tanong nito sa akin.
"N-asa bahay," tugon ko.
"Nasa bahay ninyo? Sobrang kapal ng mukha niya! Pagkatapos ka niyang lokohin ay may lakas pa ng loob na nagpunta roon? Hindi ba siya nahiya kay Tita? Humarap pa siya kay Tita? Sobrang kapal niya!" halos napasigaw pa si Prim sa labis na panggigigil. Dinampot ko muli ang alak at mabilis kong ininom iyon. "Anong sabi ni Tita? Sino raw ang babae?"
"Si mama---"
"Anong sabi ni Tita? For sure galit na galit ang mama mo! Kahit ako'y galit na galit. Mas malala tiyak ang galit ng nanay mo, Lia."
"Si mama ang babae ni Harvey---"
"Ay, putangina!" nanlaki ang matang mura ni Prim. Kinalikot pa nito ang tenga na para bang may inaalis na bara roon. "Pakiulit nga nang sinabi mo, Lia. Sino ang babae ni Harvey? Baka mali lang ako ng rinig---"
"Si mama... si mama ang babae ng boyfriend ko, Prim. Pag-uwi ko sa bahay... inabutan ko sila. Nagse-sex."
"Putangina! Wait... wait! Sandali lang! Mahilig sa cougar ang boyfriend mo? Sandali!" tumayo pa ito at ilang beses naglakad na para bang kinakalma niya ang sarili niya. "Seryoso ba, Lia?" bumalik ito sa pagkakaupo. Nang malungkot akong tumango ay agad akong kinabig nito't niyakap niya ako.
Napahagulhol ako nang iyak sa balikat ng kaibigan ko. Hindi ito nagreklamo kung nababasa na ito ng luha ko. Kailangan ko ito ngayon. Hindi ko kaya na ako lang... sobrang bigat ng pakiramdam ko.
"N-akita ko sila... inabutan ko sila, Prim. Nagse-s*x sila. Ang masaklap ay sa k-warto ko pa. Sobrang baboy nila. Ang boyfriend ko at ang mama ko... pinagtaksilahan nila ako, Prim!" parang batang sumbong ko sa kaibigan.
"Oh God! Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko, Lia. Paanong nangyari iyon? Bakit pumatol ang mama mo sa boyfriend mo?" tanong nito sa akin.
"Hindi ko alam, Prim. Tinanong ko sila kung kailan nagsimula... ang sabi nila sa akin ay no'ng birthday ko pa raw. February iyon, Prim. November na ngayon." Ilang buwan na nila akong niloloko pero hindi ko man lang napansin o nahalata.
"Ang baboy nila!" bulalas ni Prim na napailing-iling pa. "Wala talaga akong tiwala sa Harvey na iyon... ngayon pati na sa nanay mo. Paanong nagawa iyon ni Tita? Paano ka niya nagawang gaguhin ng ganito? Hindi ba niya naisip na sobrang kota ka na sa pain na dala ng mga lalaking naging parte ng buhay mo?"
"Hindi ko akalain na magagawa sa akin iyon ni mama. Sobrang sakit, Prim. Anong kasalanan ko sa mama ko para lokohin niya ako? Bakit kailangan boyfriend ko pa, Prim? Alam niya kung gaano ko kamahal si Harvey! Alam niya kung... kung gaano kahirap sa akin na magtiwala sa lalaki. Si Harvey lang iyong pinagbigyan ko... binigyan ko ng chance. Pero ganito pa ang nangyari."
"Diyos ko, hindi ko alam ang dapat sabihin sa 'yo. Naloloka rin ako sa nalaman ko."
Muli akong dumampot ng alak. This time ay hindi na niya ako inawat pa.
Kahit nang mag-order muli ako ng alak ay walang pumigil sa akin. Nagpakalunod ako sa alak. Gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan ang eksenang nasaksihan ko sa sarili kong silid.
Pero parang sirang plaka na paulit-ulit nag-play iyon sa utak ko.
Nang saglit na nagpaalam si Prim na sasagutin lang ang tawag ng mommy niya ay naiwan akong mag-isa sa table ko.
Pero hindi rin nagtagal at tumayo ako. Sobrang kalmado ng lugar, mas maingay pa ang utak ko na nag-iisip ng kung ano-ano.
Nakarating ako sa hagdan. Pasuray-suray. Pumanhik ako roon kahit pa hindi tiyak kung ano ang aabutan ko sa itaas.
Mga VIP room ang nakita ko... sa isang kwarto na medyo nakabukas ay nakita ko ang isang lalaki. Malabo sa paningin ko pero kahit gano'n ay tumuloy pa rin ako. Mas malinaw pa ang tingin ko sa mga bote sa mesa.
Walang hiya-hiyang umupo ako sa tabi ng lalaki saka ko dinampot ang isang boteng alak.
"That's mine, miss!" lasing na ani ng lalaki.
"Share... konti lang!" saka ko nilaklak. Sobrang sarap ng alak na iyon.
"Who are you?" tanong nito sa akin.
"Ako? I don't know," balewalang sagot ko rito. Tipsy na ako. Lasing na.
"Bakit ka nandito?"
"Hhmmm... gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan ang problema ko. Hoping na kapag malasing ako ay mawawala na. Lalo na iyong sakit," madramang ani ko.
"Why?" ani ng lalaki na inagaw ang boteng hawak ko at siya naman ang uminom.
"Sobrang sakit kasi..." hindi ko man kilala ang lalaki pero nakita ko ang sarili ko na nagkwekwento na rito. "Porke ba hindi ko ibinigay ang virginity ko sa boyfriend ko kaya kinana na niya ang mama ko? Narinig mo iyong sinabi ko? Iyong boyfriend ko at mama ko... may relasyon... nahuli ko silang nagse-s*x. Tapos kasalanan ko raw dahil hindi ko pinagbibigyan ang boyfriend ko! Tangina nila!" umiyak na naman ako sa labis na inis. "Gusto mo ba sa 'yo na lang? Malaki ba iyang t**i mo? f**k me!" desperadang ani ko. "Gwapo ka ba? Patingin nga ng mukha?" hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi nito. "Bakit blurred ka?"
"Lasing ka... stop it. Lasing na rin ako, miss. Layo." Saway ng lalaki sa akin pero imbes na lumayo ay tumayo pa ako at pabukakang kumandong dito.
"f**k!" ani ng lalaki na agad napahawak sa bewang ko. Napa-adjust ito ng upo dahil naupuan ko ang p*********i niya.
"f**k me, stranger!"
"No!" tanggi ng lalaki. Pero hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at hinalikan ko siya. Nang saglit kong pakawalan ang labi niya ay nagsalita siya. "Miss, stop it! Baka pagsisihan mo."
"Nope! Wala akong pagsisisihan. Kailangan uuwi akong hindi na virgin. Make it memorable. Patunayan mong masarap ka---"
"Walang sisihan?"
"Wala, now f**k me!" saka ko iginalaw ang bewang ko kaya napaungol ang lalaki. Nang ito na ang kumabig sa batok ko para halikan ako ay nagpaubaya ako. Gusto kong makalimot. Gusto kong kalimutan ang sakit na ibinigay ni Harvey at mama sa akin. Kahit saglit lang... kahit mabaling lang sa iba ang atensyon at isip ko.
Hindi ko na namalayang nahubad na ang saplot ko. Nakaupo pa rin ako sa lap ng lalaki habang sapo-sapo nito ang p********e ko. Nilalaro niya iyon habang ang isang kamay ay hawak ang malusog kong dibdib.
Humahalinghing ako sa sarap nang ginagawa nito. Nang tumayo ang lalaki ay kasama ako. Naramdaman ko na lang na inihihiga niya ako sa kama.
"f**k me!" ani ko na inabot ang braso nito at hinila para maabot ko siya at ang labi niya. Ipinagpatuloy naman ng daliri nito ang paglalaro sa butas ko.
Mabilis na naglabas masok sa p********e ko ang daliri niya. "d**k, please!" pakiusap ko sa lalaki.
Namumungay pa ang mata ko sabay lamas sa dibdib. Dali-daling ibinaba ng lalaki ang pants n'ya. Malabo ang lahat sa paningin ko. Pero mas lalo pang lumabo ng may malaking Ari ang bigla na lang pumasok sa p********e ko. Daig ko pa ang nag-shutdown.
"Virgin," usal ng lalaki. Hindi ako makapagsalita. Sobrang laki yata nang pumasok sa akin. Wasak. Nang gumalaw ang lalaki ay mas lalo pang sumakit. Pero nang kalabitin nito ang clit ko... unti-unti kong nakalimutan ang sakit no'n. He knows what to do.
Bumilis ang pag-angkin nito sa akin. Mas lalo pang bumilis iyon nang labasan ako at para ba masabayan niya ako ay tinodo pa niya.
"Gusto mong makalimot... pero sana'y hindi mo ako kalimutan, miss," dinig kong ani ng lalaki. Pero unti-unti na akong hinihila ng antok.